BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Sabado, Abril 7, 2012

RONWALDO - HIPHOP



sya ang unang nakilala ko bukod pa sa asawa ko.
sya ang dahilan panay ang sulat sa kwaderno ko.
sya ang nag pudpod ng bawat lapis sa pagamit ko.
sya nilalaman ng aking isep sa tunog na to.

sya kumakalma ng aking utak pag lito ako.
sya nagbibigay saken ng gana pag umay ako.
sya nagpapabaga ng apoy sa mga linya ko.
sya ang dumadaloy sa dugo pag nag-init na to.

sya nagpapasya napitasen kapag hinog na to.
sya ang umaani sapagtanim ng mga liriko.
sya ang tumutulak lumakad na humakbang ako.
sya ang aking gurong humuhubog ng talino ko.

sya sumasalo bawat batikos sa masa .
sya ang sinisisi naging baduy sa panlasa.
sya ang sumasala pumipili ng makata.
sya ang nagsisikap na imulat ang mata.
sya nagpapalaya pananaw mo ay sara.
---------------------------------------------------
sya ang tama palage pagbumuga ng marijuana.
sya aking lakas kapag ako ay nanghihina.
sya umaalalay tumayo pag nadapa.
sya aking gabay pag sa dilim kumakapa.

sya ang dahilan kaya may buhay ang radyo.
sya nagpapaingay sasabay pati konyo.
sya ang dahilan nagkapula pati asul.
sya ang dahilan kaya madaming ng ulul.

sya ang dahilan kaya natutong magmura.
sya ang dahilan kaya sa mic dumudura.
sya nagmamaneho at ayokong pumara.
sya ang lumalaban pag wala ng pagasa.
sya aking niyakap eto anga pala ay hiphop.
------------------------------------------------------------

0 (mga) komento:

LOCAL HIPHOP COMMUNITY EVENTS ETC.

New Release Videos:International HipHop Artist Section.

New Release Videos:International HipHop Artist Section.

2 Chainz - 4 AM ft. Travis Scott

Remy Ma - Wake Me Up ft. Lil' Kim

Cam'ron "Lean" (WSHH Exclusive - Official Music Video)

Tyga - Tequila Kisses (Official Video)

Talib Kweli "Traveling Light" feat. Anderson .Paak (Official Music Video)