BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Lunes, Oktubre 9, 2017

ALBUM REVIEW "PROJEKT STEALTH" (HIPHOP THE GOOD WORK)


"PROJEKT STEALTH"
(HIPHOP THE GOOD WORK)

Sa kasalukuyang eksena ng hiphop dito sa pinas, itong grupong "PROJEKT STEALTH" ay isa sa mga aktibo sa larangan. Namunga ang kanilang pagtyatyaga, at pagsisikap upang makalikha ng obrang sasabay sa panahon. Ang kanilang estilo ay pwede mong ihambing, sa alak na matagal ng itinago. Na dumaan ang maraming taon, na habang tumatagal, lalong umaayon sa panlasa. Ang struktura ng pag gawa ng kanilang tunog, ay pwede mong e hambing sa gintong henerasyon, ng kulturang hiphop. Akin ng hihimayin ang bawat nakalakip na obra, sa pinaghirapan ni lang likha.

  1. HHTWG - Magandang pang bungad, dahil ang gusto nilang ilahad dito, ay ang kanilang layunin sa kultura.
  2. PASAPORTE - "Sa Anino Pa Lang Namin Kaya-Kaya Kang Takpan"-Erib. Pang bungad pa lang nagliliyab na, isa sa mga may pangil na obra nila.
  3. THE PROJEKT - Sakripisyo at Determinasyon ang sumasalamin sa obrang ito.
  4. PABALIK - Pampamulat ito sa mga bagong makata na papasok sa eksena, Kung ano ang noon at ngayon.
  5. LUNDAG - Dadalhin ka sa dekada nobenta bagsakan ng tunog, noong panahon pa ng ginto sa larangan ng hiphop.
  6. A.N.T.F.W - Isa sa mga may pangil na obra nila.
  7. WASAK -  Ipinamalas nila ang pagiging agresibo sa lyrikal pagdating sa opensa, pambulaga ang koro.
  8. N.W.A - Sakripisyo at Determinasyon ang sumasalamin sa obrang ito.
  9. IT'S ALL RIGHT - Swabe ang bagsakan, mapapa serbesa ka habang nakikinig.
  10. ARAW-ARAW - Sina salay-say dito kung paano na buo ang pagmamahal nila sa kultura.
  11. KANKKKALOO - Lumingon sa pinang galingan ang tema.
  12. DULO - Susugal sa kapalaran, susuong sa larangan, ng walang alin-langan ang bagsakan.

 Pulido ang pag kagawa ng bawat tunog, na sasabayan ng mga lirikong bagong luto, kaya ang tenga mo'y busog. 





LOCAL HIPHOP COMMUNITY EVENTS ETC.

New Release Videos:International HipHop Artist Section.

New Release Videos:International HipHop Artist Section.

Wu-Tang Clan - People Say ft. Redman

Wu-Tang - Lesson Learn'd ft. Redman, Inspectah Deck

Wu-Tang - If Time Is Money (Fly Navigation) / Hood Go Bang ft. Method Man

Redman I Love Hip Hop (Official Music Video)

Miguel - R.A.N. (Official Video)