BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Linggo, Disyembre 31, 2017

Raptag X Ronwaldo - Tahimik Lang Produced by: Noise Sy


Magandang gabi "HIP-HOP". Isang pagsalubong sa bagong taon, Mabuhay Pinoy Rap!
"Tahimik Lang"
Prod. by: Noise Sy
Mixed & Mastered by: Ryan Lungub & Mark Ellis Larracas Mendoza

Raptag Verse:
Pasintabi lang makikiraan.
Sa mga taong nagsasabi dapat ay tulakan.
Hatakan ngunit naghihilaan pababa.
Tila ba nagsitabaan na mga talangka.
Imbis mamunga ng maayos binabali ang puno.
Di maganda dinudulot yan aking pinupunto.
Sinirang imahe amin ng binabalik.
Mga bulaang propeta na kay hudas humalik.
Di nagpasilaw sa sikat at sa dami ng ginto.
Hinanap ko ang tamang susi sa kandado na pinto.
Binagtas ko ang landas pataas ng may lakas.
Pagmasdan ang bakas parang bagyong humampas.
Ang nakaraang bangungot, nasa akin nagpagising.
Sa ingay nabulabog aking pagkakahimbing.
Nais kong paliwanagan ang pundido na isipan.
Diwang di malaya nakulong sa kadiliman
Hook:
Di namamalayan pagtahimik gumalaw
ahhhhhhhh
Di mo inakala pagtahamik gumalaw
ahhhhhhhh
Di mo mababasa pagtahimik gumalaw
ahhhhhhhh
Tahimik lang, tahimik lang
Ronwaldo Verse:
Di maliligaw sa kagubatan ginagamit ko ang utak.
Kaalaman ko ang tanging kong gabay.
Kung merong nadapa inaabot ko ang kamay.
Mga sulat ang alalay sa kultura na pilay.
Namamangka maski na sa ilalim ng tulay.
Umiiwas sa kumpulang hatakang mga paa'y.
Hindi magpapabulag pangatlo ko na mata.
Ka Kaya kong mabasa ang baraha sa mukha.
Darating sa puntong sasabihing balang araw.
Tatakpan ka ng buwan kapag dumalaw.
Inambag ko na barya mananalo sa pusta.
Aking binuo papel na pera sa bulsa.
Maalon ang dagat nasa bangkang sumasagwan.
Natutong mangisda ng kaalaman sa karagatan.
Ng may mahain sa lamesa ng mga walang laman.
Malalaman Salitang Katuturan.
Hook:
Di namamalayan pagtahimik gumalaw
ahhhhhhhh
Di mo inakala pagtahamik gumalaw
ahhhhhhhh
Di mo mababasa pagtahimik gumalaw
ahhhhhhhh
Tahimik lang, tahimik lang

Huwebes, Disyembre 21, 2017

Live & Direct (Session 1) "Freeverse" Raptag X Ronwaldo - Run It (Remix)

Lunes, Disyembre 18, 2017

"IKAW ANG MUNDO"



IKAW ANG MUNDO

mula noon hanggang ngayon wala pading nagbago
pagibig na para sayo tila lumalala pa lalo
kayo ang dahilan kung bakit laging masaya
saking mundo kayo ang pinakamahalaga
aking liwanag tuwing mundoy dumidilim
ang mga yakap mo na kay sarap na damahin
sa mga pagsubok, salamat at di ka sumuko
saking mga palad, nakahawak kahit san man ako patungo
hayaan mo suklian ko ang lahat
pagtyatyaga mo sakin na walang kasukat
pagtitiis pagtyatyaga kung pano intindihin
pagsuporta sa mga nais kong gawin
di man sabihin sayo pero ikaw ang iniisip
laging kasama maging sa aking panaginip
tanging hiling ko lang sana wag ng lumayo
aking pinapangako na nandito lang ako nandito lang ako

hook

wag kang mag alala nandito lang ako
wag kang mawawala ikaw mundo ko 2x

salamat at ikaw ang pinana ni kupido
itinadhana sakin sa mundong ito
pinapangakong mamahalin kita ng lubos
ito ay kusang ibibigay ko ng taos
laging nakikinig saking mga problema
pumapawi ng lungkot na aking nadarama
sapat na ang yakap at halik upang itoy mawala
tinangap ko ang lahat wag ka lamang mawala
sakintabi, saking mundo
handang ialay bawat oras ko at minuto
wala masayang na sandaling kasama ka
nais makita ang ngiti sayong mga mata
di man sabihin sayo pero ikaw ang iniisip
laging kasama maging sa aking panaginip
tanging hiling ko lang sana wag ng lumayo
aking pinapangako na nandito lang ako nandito lang ako

hook

wag kang mag alala nandito lang ako
wag kang mawawala ikaw mundo ko 2x

hook

wag kang mag alala nandito lang ako
wag kang mawawala ikaw mundo ko 2x


Written & Produced by Rai Lungub

Recorded at Silent Majority
Mixed & Mastered by : Ryan Lungub & Mark Ellis Larracas Mendoza

Linggo, Disyembre 17, 2017

Ronwaldo - Amats





















"Isang pasabog bago mag bagong taon"


Kauna-unahan produkto ng "Silent Majority" mula kay Ronwaldo Mark Ellis Larracas Mendoza na may titulong "Amats"
pakinggan natin mga kapatid.



Amats

1st Verse:
Isang bote ng patron, tawaging escobar.
Inaangat sa bar ang tagay hook shot ni Jabar. 
Big baller ang datingan, parang lonzo at lavar.
e ni straight ko ang tequila na pa damn na si lamar.
----------------------------------------
Paa sa gasolina hawak ko ang manibela.
Lilipad ang byahe may karga ng mahiwaga.
Tulad nga ni rico kse swabe nga ang tama.
Ako ngayon si gardo pag sa kama ni rosanna.
----------------------------------------
Nag moonwalk nasa buwan, hawak Johnnie walker.
Pa ikot-ikot Lang na mala 360 ni carter.
Emperador Emperaning, Ginebra San Miguel.
Bulag ka na sa gin, Ikumpara sa sex ayoko ng Bitin.
----------------------------------------
Kampay sabay, aking mga mata'y mapungay.
Sa dila'y na lumalasa ang banayad na tinagay.
Nag si labasang sungay, namula ang kulay.
Nawalan ng malay, di umuwi ng bahay.
----------------------------------------
Inuman parang, lamay, damay, damay.
Pagnasimot ang alak oras ay nakakabored.
Kaya naghahanap ng Bulalo si Bulalord.
----------------------------------------
Hook:
Paikutin na ang baso lasing nanaman
Magdamag umiinom tara mag papasahan ng.
Kaliwat kanan alak, Kaliwat kanan alak.


Pabagain mo na yan para sabog nanaman.
Magdamag sumisindi tara mag papasahan ng.
Kaliwat kanan mahiwaga, Kaliwat kanan mahiwaga.


2nd Verse:
Sinuway bilin ni lola, ginawang tubig serbesa.
Naligaw sa paraiso, merong dahong mahiwaga.
Sa lamesa nag karera, taga-tagay may kalesa.
Pulang kabayo na sa baso, aking amats ay sisipa.
-----------------------------------------
Meron pa sa ref, wag kang agaw trip. 
Ilugar mo ang yong tama wag kang makulit.
Kwentong pilipit, yabang na saglit.
Ayaw na mag paawat kahit araw ay tirik.
-----------------------------------------
Palong-palo nanaman, nagdamo malamang.
Mata mo may rayban, mas-singkit ki mari chan.
Nanag-amok si jackie chan, nasinok, bumulwak.
Sa kabilugan ng gabi naghahanap ng uwak.
-----------------------------------------
Yosi, palito, bigoteng paquito. 
Mani sa platito, segundo, minuto.
Oras ay impunto, magiingay mga impakto. 
Kulang na ang tagay bumili ka pa ng mucho.
-----------------------------------------


Hook 2x
Paikutin na ang baso lasing nanaman
Magdamag umiinom tara mag papasahan ng.
Kaliwat kanan alak, Kaliwat kanan alak.


Pabagain mo na yan para sabog nanaman.
Magdamag sumisindi tara mag papasahan ng.
Kaliwat kanan mahiwaga, Kaliwat kanan mahiwaga.


-Ronwaldo
Silent Majority Facebook page : https://www.facebook.com/SilentMajori...
Silent Majority Blogspot : http://silentmajorityrecords.blogspot

LOCAL HIPHOP COMMUNITY EVENTS ETC.

New Release Videos:International HipHop Artist Section.

New Release Videos:International HipHop Artist Section.

Wu-Tang Clan - People Say ft. Redman

Wu-Tang - Lesson Learn'd ft. Redman, Inspectah Deck

Wu-Tang - If Time Is Money (Fly Navigation) / Hood Go Bang ft. Method Man

Redman I Love Hip Hop (Official Music Video)

Miguel - R.A.N. (Official Video)