BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Huwebes, Marso 1, 2012

RONWALDO - DUELO




pag sa duelo ay guerrero lumalamon like manero.
sasabayan ng palitan halaga ko ay dinero.
dakilang kaskasero walang balak na prumeno.
kung kurbada ang laro tawagen mo akong trueno.

agresibo pa sa toro suminde pa ng malboro.
level ko grado ni tado kapag humiwa ay zorro.
di ordinaryong musikero mga linya ko diablo.
akoy makatang dorobo na umuubos ng solo.

loko-loko sa liriko ang bumangga sabay liko.
bako-bako man ang larangan eto ang napili ko.
kung kinikilo ang talino ang bigat nanasa bao.
susukatin ang lalim ay malulunod ang tao.

ang bawat beat na ginamit ay pinatay kse nga psycho.
pata-baan ng utak na puro letra pag ni laypo.
bawal mag tayo ng palasyo wala kang titolo.
kamay na may maso pinangugulat parang panfilo.

--------------------------------------------------


kakatapos lang ibanat pang walo ko na rima.
kasunod pang labing anim magbabago ang clima,
na mala gerang eksena may binato akong bomba.
mga atraso na kwenta maniningil like salonga.

ako na unang kumasa mas-hasa na mas-tasa.
pagdumura ko ng todo lahat ng puke ay basa.
kaya kong bumanat mas halimaw sa banga.
mga salamangka na gamit pati daga naging kaba.

higit na magisep na di naig ko ang siyensya.
sa balagtasan ang laban di tumalab ang konsensya.
sa daming nagrarap ay pwede ng maging planeta.
galing kalawakan lumapag akoy cometa.

kung ang tira mo pakara di ako maniniwala.
nagsusulat ka lang akala mo ay bagong laya,
nilathalang sandata nasa papel ay binala,
parang espada ang pluma kayang sugatan bathala.

------------------------------------------------

Kung may paglalabanan di ito paligsahan.
makakatalo lang saken kapag sarili ko kalaban.
tumbas ko ay basilan di mo kayang tapakan.
bawat sinabi ko apoy hindi mo kayang hawakan.

sapuspusang bagsakan magliliyab ang bulwagan.
akoy may rimang bugbugan maririnig mo rambulan.
mga iniwan ay sunog microphono naging abo.
dito sa duelo 4x.

0 (mga) komento:

LOCAL HIPHOP COMMUNITY EVENTS ETC.

My Top 5 Videos:International HipHop Artist Section.

My Top 5 Videos:International HipHop Artist Section.

Crooked I "Off The Top" SKEE Live Exclusive Freestyle

Pusha T - King Push

Pusha T Feat. Kendrick Lamar - Nosetalgia

Eminem - Berzerk (Official) (Explicit)

Tech N9ne Feat. Kendrick Lamar, MAYDAY & Kendall Morgan - Fragile