BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Martes, Pebrero 7, 2012

RONWALDO OFFICIAL MUSIC VIDEO - 1997

RONWALDO OFFICIAL MUSIC VIDEO - 1997 from alasngbliss on Vimeo.


title: 1997
composed by: ronwaldo
directed by: ronwaldo
assistant director: kid alamat
edited by: ronwaldo
camera man: ronwaldo/kid alamat
sound arranger: kilya
beats by: skrooge (alas ng beats)
produced by: scrap shop
video location: bliss
special participation: alas ng bliss,kid alamat,esbli band(official band ng alas)
special thanks: sa mga sumusuporta at naniniwala sa musika na aming likha salamat ng marami @ sa mga ayaw sa amin bahala kayo basta sa inyo na ang masa wala kameng pake....

abangan ren ang ilalabas na mixtape ni ronwaldo ngayong buwan may 15 tracks na nakalakip. pinulido ang bawat tracks w/bonus track ren sikreto kung ano. maririnig nyo dito kaya ang title nito ay??? "Definitely not your typical mixtape"

abangan ang ilalabas nameng kasunod na music video hawak namen. siguradong magpapainit sa mga tenga nyo
abangan....

wag nyong kalimutan na bumisita sa "ALASNGBLISS.BLOGSPOT.COM" FACEBOOK ACCNT:facebook.com/pages/Alas-ng-Bliss/103111209750305 TWITTER ACCNT: twitter.com/#!/AlasNgBlissBoy

"LIRIKO"

nakinig bumili ka usuhan ng cassette.
di pa uso ang pirata sa japet mahigpet.
kailangan magipon na kukurot ako sa baon.
naghihintay ng bago sa paglipas ng taon.

ka initan na ng rap dahil ki kiko magalona.
humanga rin ki pooch!!! naglitawan mga gangsta.
isa ang death threat malupet bumitaw.
ilibing ang sosi, usong usong sigaw.

naalala ko panon naglalakad sa may kalye.
kasama mga pare pagrarap ang detalye.
etong si andrew e mga basit na pa bayle.
tugtog ko to sa otto pangbayo pasakalye.

yeah tuloy parin ako.
kahit radyo ko luma pinapatugtog ko to.
pinamana to ni lolo para daw ako ay gwapo.
sabi nya apo eto ginamit ko sa tango.

-------------------------------------------

tambay sa kanto doon sa jacinto.
subukan na mabulag sa gin sabayang kwento.
teka muna sandale,wag naman mag madale.
dahan-dahan lang kse meron naman pambile.-
ibayad mo ki ate at sayo na ang sukle

hindi ka pinansen sabihin mo ay pike.-
naaalala na ibat-bang flow na mala urban.
pangarap ko nung bata magsuot ako ng jordan.
di makabile ay nag tyaga nalang sa advan.

peke pa na rayban huli pasa pormahan.
cnong gaganahan ewan na ewan.
basta lasingan ang usapan may kasamang raprapan.
cge tawanan ng tawanan parang meron sinaniban.

ang sarap balikan.
ang sarap halikan ng mga ulap.
tara na doon sa alapaap.
sindihan na yan,sindihan na yan

----------------------------------------------

tumambay sa tindahan palipas pa ng oras.
makabili na nga ng pwedeng panghimagas.
papel panulat ang aking nilabas.
eto ang simula ng aking bakas.

eto ang musikang aking binigkas.
etong larangan sa dugo ko wagas
mga binanat mala presyo ng gas.
bagong bago at wala pang gasgas.

hindi mapipigilan hindi to titigilan.
musikang alam hindi sa pera nabihisan.
ginawa ko ng sandalan to.
para bang nakatato.
para bang asawa ko.

teka nakalimot pede rin palang sandata
dito na lumalim nagsulat bilang makata.
pagiging malaya ay di inisip ang masa.
magtiwala sa sarili ang respeto ay kusa.


Linggo, Enero 29, 2012

Alas Ng Beats - The Art Of Beat Making (song title:1997)


video blog to kung pano ginawa yung beat para sa track ni ronwaldo 1997 na isasama sa ilalabas nyang mixtape ang yumari ng beat na ito ay si skrooge aka alas ng beats. kaya abangan nyo ang track na ito napakainit una nyo maririnig ang buong kanta sa pag labas ng official video nito malapit na suporta lang mga kapatid.wag nyong kalimutan bumisita sa ALASNGBLISS.BLOGSPOT.COM para sa iba pang mga updates.
‎1997 - music video
hawak namin ang laro - music video
Ronwaldo "Definitely not your typical mixtape"
Alas Ng Bliss Official Album Produced By:@l@sngBe@ts
alas ng bliss dosage this 2012!!!
Bliss Ent....

Miyerkules, Enero 25, 2012

"UPCOMING IssSSSSH"

‎Music Video - 1997 Produced By:Scrap Shop
Ronwaldo "Definitely Not Your Typical Mixtape" Produced By:Kilya
Alas Ng Bliss Official Album Produced By:@l@sngBe@ts
@lasngBe@ts Official Blogspot 4 Beatmaking Sessions Videos Produced By:Scrap Shop & Skrooge
"ALAS NG BLISS BOYYY! SHIRT" FOR ONLY Php 450
TO ORDER
CONTACT 09054588409 or PM Erib Mandia
FOR MEET UPS :
VICTORY CENTRAL MALL MONUMENTO
SM CITY VALENZUELA
SM CITY MANILA
TRINOMA MALL QUEZON CITY
GATEWAY MALL CUBAO QUEZON CITY
SHIPPING :
COURIER : LBC
PAYMENTS THROUGH WESTERN UNION OR BANCO DE ORO
+ 120 FOR SHIPPING FEE MAXIMUM OF 2 SHIRTS
High Dosage This 2012!!!
Bliss Ent....

Biyernes, Enero 20, 2012

photo of the day title: "KANDADO"



Ikaw ang kandado ang kalawang ay mga problema.
Buhay mo ang bintana sa labas ay dilim sa loob ay liwanag.
photo by:ronwaldo

Lunes, Enero 16, 2012

Matira Matibay Champion: Solid Street!!!

Salamat sa mga sumuporta sumali at nanood sa aming pa event. sa lahat ng lumahok magagaling may kanya-kanyang katangian sa musikang tula.kaso isa lang talaga ang mananalo at ang pinalad makuha ang tronong matibay ay ang grupong "SOLID STREET" saludo kame sa ipinamalas nyong talento.

Huwebes, Enero 5, 2012

"MATIRA MATIBAY RAP CONTEST"

UNANG PASABOG SA TAONG 2012

ALAS NG BLISS & BREEZY BOYS

PRESENTS

MATIRA MATIBAY RAP CONTEST & T-SHIRT LAUNCHING OF ALAS NG BLISS BY:CALOOKID

pag galing monumento sasakay ka ng balintawak ilalim tapos sabihin mo sa driver na teachers bliss nyo po ako ibaba matik na ibaba kanila mismo sa arko ng bliss tapat 7 eleven pasok ka unang kanto liko ka may simbahan kang makikita sa likod nun yun ang court ng bliss at dun ang event sana suportahan nyo kame tatanawin naming malaking pasasalamat sa inyo.

Martes, Enero 3, 2012

OUR 1st BLAST OF THIS NEW AND FRESH YEAR 2012 ORDER NOW !

"ALAS NG BLISS BOYYY! SHIRT" FOR ONLY Php 450

TO ORDER
CONTACT 09054588409 or PM Erib Mandia

FOR MEET UPS :

VICTORY CENTRAL MALL MONUMENTO
SM CITY VALENZUELA
SM CITY MANILA
TRINOMA MALL QUEZON CITY
GATEWAY MALL CUBAO QUEZON CITY

SHIPPING :

COURIER : LBC
PAYMENTS THROUGH WESTERN UNION OR BANCO DE ORO
+ 120 FOR SHIPPING FEE MAXIMUM OF 2 SHIRTS
By: Caloo KID Clothing

Biyernes, Disyembre 30, 2011

"HAPPY NEW YEAR"

Oras nalang ang binibilang nalalapit na mag tapos ang taon.
panibagong hamon nanaman sa ating buhay magpasalamat tayo na,
ating nalagpasan ngayong 2011 ang mga pagsubok na ating na harap.
at ganun pa man masmalaki pasasalamat na buhay parin tayo hanggang,
ngayon yun ang pinaka magandang regalo sa atin ng diyos.
at nais ko rin magpasalamat sa mga taong naniniwala at sumusuporta,
sa alas ng bliss.kayo nag bibigay ng inspirasyon sa amin upang,
ipagpatuloy namen ang paglalakbay sa larangan ng musikang tula.
sa darating na 2012 asahan nyo na maglalabas kame ng mas pulido,
mas matalas at dekalidad na mga obra para sa inyo mga tagapakinig.
abangan nyo ang dalawang nag liliyab na mixtape ilalabas namen.
kaya pasensya na kung hindi kame sunod sunod mag labas ng kanta.
dahil talagang pinag hahandaan ang mga ilalabas namen ngayong,
2012.sabay-sabay naten harapin ang taon ng dragon ng may ibubuga.
Mabuhay Ang HIPHOP!!! Alas Ng Bliss Boy!!!

Miyerkules, Disyembre 21, 2011

@L@S NG BLiSs New Shirt Design Coming SoOn!!!




FOR MORE INFO CONTACT:SNIPER#‎09474924822

Pasko sa Bliss 2011 - Alas ng Bliss Prod By: @L@s Ng Be@ts




Para sainyo to mga tol!! Merry Christmas!!!!

-(1st Verse)Skrooge,Kilya,Anemia,Inzomia,Razor,BizzyBiron (2nd Verse) Jonggol,Akila,Rantown,Pat,Sniper............ yeah! ALAS NG BLISS BOY!!!
Mix Mastered By:Kilya
Beat By:Skrooge

Sabado, Disyembre 17, 2011

Maligayang Pasko Official - Breezy Boys and Breezy Girls



SA MALAMIG ANG PASKO!!! Maligayang Pasko - Breezy Boys and Breezy Girls

Martes, Disyembre 13, 2011

"Maniwala Sa Sarili"


Hanggang ngayon hinahap ko parin ang aking sarili. Kung ang buhay ko ay isang teatro, mali ang nakuha kong papel. Pero nalaman ko na hindi naman mahalaga kung anung papel ang makuha ko, ang mahalaga ay kung paano ko ito gagampanan nang maayos at mabuti. Sisiguraduhin ko sa pagtatapos nang dulang ito, silang lahat ay tatayo at magbubunyi.

Ang pinakamasayang sandali sa ating buhay ay gawin ang mga bagay na sinasabi nang ibang tao na hindi natin kaya. Isa sa ating kahinaan ay ang isipin lagi ang iniisip ng iba tungkol sa atin. Lagi tayong nagpapaapekto sa sinasabi ng iba. Maniwala ka sa iyong sarili na kaya mo at magagawa mo ang mga bagay na iyong kinatatakutan at mga bagay na inaakala ng iba na hindi mo kaya.

Mabilis tumakbo ang ating buhay, kumurap kalang ang dami nang pagbabago sa paligid mo. Nalaman ko na minsan mahalaga ring magkamali, madapa, at masaktan, ‘di man natin aminin ngunit ito ang nag bibigay kulay sa ating buhay. Minsan kailangan nating lumuha upang mahugasan ang ating mga mata at maging malinaw ang tingin natin sa ating buhay.

Masyadong maikli ang buhay para sa mga bagay na gusto nating gawin, masyadong nagmamadali ang buhay, minsan hindi tayo makasunod at natutulala na lamang.

Sa ating buhay madami tayong pintong binubuksan at sinasarado, sa dami nito mahirap ng bumalik kaya dapat magingat tayo sa pagpili ng pinto na ating bubuksan. Minsan ang mga maliliit na desisyon na ating ginagawa ay maaaring makaapekto ng malaki sa ating buhay.

Lunes, Disyembre 5, 2011

Produced by: Alas Ng Beats

Photobucket

http://www.mediafire.com/?530p4kx8lccdb3t

Feel free to download this FREE shit from DannieBoi ft. Izz "HYDRO" Produced by Alas Ng Beats! Please support his upcoming digital album "DB". Solid to! Good news to para samen dahil unang legit shit to ng Alas Ng Beats! Spread the word and enjoy this track! More solid tracks and updates to come. ALAS NG BEATS BEYBEYYY! -skrooge :)

Lunes, Nobyembre 28, 2011

Linggo, Nobyembre 27, 2011

"MOVIE OF THE WEEK"

SEASON 1




SEASON 2



Inspired by Takashi Okazaki's love of soul and hip hop music and American media, Afro Samurai follows the life of Afro Samurai who witnessed his father (owner of the No. 1 headband) being killed by the hands of a gunslinger named Justice (owner of the No. 2 headband) while he was a child. As an adult, Afro sets off to avenge his father's death and kill Justice. two soundtracks by the RZA of Wu-Tang Clan have been released as well as a profile book in Japan.

Lunes, Oktubre 24, 2011

"PUROL"


Photo By: Gary M. Moleta

LOCAL HIPHOP COMMUNITY EVENTS ETC.

New Release Videos:International HipHop Artist Section.

New Release Videos:International HipHop Artist Section.

Wu-Tang Clan - People Say ft. Redman

Wu-Tang - Lesson Learn'd ft. Redman, Inspectah Deck

Wu-Tang - If Time Is Money (Fly Navigation) / Hood Go Bang ft. Method Man

Redman I Love Hip Hop (Official Music Video)

Miguel - R.A.N. (Official Video)