Martes, Disyembre 13, 2011
"Maniwala Sa Sarili"
Hanggang ngayon hinahap ko parin ang aking sarili. Kung ang buhay ko ay isang teatro, mali ang nakuha kong papel. Pero nalaman ko na hindi naman mahalaga kung anung papel ang makuha ko, ang mahalaga ay kung paano ko ito gagampanan nang maayos at mabuti. Sisiguraduhin ko sa pagtatapos nang dulang ito, silang lahat ay tatayo at magbubunyi.
Ang pinakamasayang sandali sa ating buhay ay gawin ang mga bagay na sinasabi nang ibang tao na hindi natin kaya. Isa sa ating kahinaan ay ang isipin lagi ang iniisip ng iba tungkol sa atin. Lagi tayong nagpapaapekto sa sinasabi ng iba. Maniwala ka sa iyong sarili na kaya mo at magagawa mo ang mga bagay na iyong kinatatakutan at mga bagay na inaakala ng iba na hindi mo kaya.
Mabilis tumakbo ang ating buhay, kumurap kalang ang dami nang pagbabago sa paligid mo. Nalaman ko na minsan mahalaga ring magkamali, madapa, at masaktan, ‘di man natin aminin ngunit ito ang nag bibigay kulay sa ating buhay. Minsan kailangan nating lumuha upang mahugasan ang ating mga mata at maging malinaw ang tingin natin sa ating buhay.
Masyadong maikli ang buhay para sa mga bagay na gusto nating gawin, masyadong nagmamadali ang buhay, minsan hindi tayo makasunod at natutulala na lamang.
Sa ating buhay madami tayong pintong binubuksan at sinasarado, sa dami nito mahirap ng bumalik kaya dapat magingat tayo sa pagpili ng pinto na ating bubuksan. Minsan ang mga maliliit na desisyon na ating ginagawa ay maaaring makaapekto ng malaki sa ating buhay.
Ipinaskil ni :RONWALDO sa 4:11 PM
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento