BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Huwebes, Marso 8, 2012

Ronwaldo - Luha Ng Laban



matayog ang pangarap nya na gustong maabot.
pagiging sundalo puno ng tapang nababalot.
pinaghirapan nya mga medalyang nasout.
sa butas ng karayom yun ang kanyang nilusot.

merong pamilya at may sanggol pa na anak.
sa tawag ng trabaho nya kailangan yang tumalak.
sa basilan para harapin bawat digmaan.
eto ang kabuhayan para lang naman sa bayan.

sariling kasiyahan nabura kinalimutan.
mga mahal sa buhay ang palage sa isipan.!!!!
sa panganib susugal! para lang maabutan.
sa tahanan ay lilisan maikli na ang buwan.

biglaang pangyayare ang hindi inaasahan.
sya ay sumagupa nasa bala tinamaan.!!!!
karangalan nakasabit kapalit ng paglisan.!!!!
mga naiwan na punasan mga luha ng laban.

-----------------------------------------------

hindi sya nakatapos at walang pinagaralan.
kse mga magulang ay maagang ng lumisan.
tanging paraan para mabuhay ay laman.
binebenta nya sarili para tyan magkalaman.

sa hirap ng buhay naging manhid sa patalim.
patay sindi ang ilaw mga mata nasa dilim.
kailangan kumita para sa bukas pandiin
mga kumukutya di alintanang pansinin.

sa pag uwi sa bahay may dala syang pasalubong.
nalaman kapatid ay nabundol sa pagsalubong.
iniwan lang sa kalye duguan pagulong gulong.
sasandaling ito naghahanap sya ng tulong.

doble maglagare ang dangal sinusugal.
para ang bunso may pang-gamot sa ospital.
salamat sayo ate at si nanay sasamahan.
ikay naiwan na punasan mga luha ng laban.

-----------------------------------------------

masarap palang mabuhay ng wala kang problema.
magpasalamat palagi sa na tamo mong biyaya.
hindi nagiisa na may pagsubok na dala.
maswerte ka paren pag narinig ang kanta.

0 (mga) komento:

LOCAL HIPHOP COMMUNITY EVENTS ETC.

My Top 5 Videos:International HipHop Artist Section.

My Top 5 Videos:International HipHop Artist Section.

Crooked I "Off The Top" SKEE Live Exclusive Freestyle

Pusha T - King Push

Pusha T Feat. Kendrick Lamar - Nosetalgia

Eminem - Berzerk (Official) (Explicit)

Tech N9ne Feat. Kendrick Lamar, MAYDAY & Kendall Morgan - Fragile